Nasaan ka na?
Madalas kasakasama kita sa lahat ng aking ginagawa…
Karamay sa bawat problema…
Katuwang sa saya…
Pakner kung tawagin pa…
Madalas sa aking paggising binibigyan mo ko nang lakas upang mabuhay…
Sinusuportahan ako sa tuwing may tatahaking bagong landas…
Tagapagtanggol ko sa tuwing ako'y naaapi…
Tagakalma sa tuwing ako'y naiiinis…
Tagabigay ng pag-asa sa tuwing nalulugmok!
Ngayon…
Nang ika'y makita…
Ibang-iba ka na….
Matapos nang mga pangyayari sa iyong buhay…
Hindi na kita kilala…
May pusong bato na hindi na pinapansin ang tunay na damdamin…
mabilis ka nang naiinis…
mabilis na nagagalit…
negatibo ang pananaw sa buhay!
Walang ginagawa kundi kalimutan ang lahat!
Walang iniiwan… kahit konti man lang…
Ipinagmalaki mo pa…
Mas gusto ko ang ako ngayon!
Tanga ka ba?
Iba ka na! ibang tao! Ibang nilalang!
Sinanay mo ang iyong sarili na maging manhid!
pinilit itago ang poot at sakit na iyong nararamdaman!!!
Parang awa mo na!!!
Bumalik ka na…
Ako'y nangungulila na…
MIKA.. Nasan ka na?!
bumalik ka na sa dati..
sa mikang...
tahimik... madaling lapitan...
Posted at 10:48 pm by
scarced