|
Napagdesisyunan ko na umuwi ng maaga…. Wala akong gagawin… Basta gusto kong umuwi! sa aking paglalakad palabas ng Ateneo… napadaan ako sa chapel… ilang buwan na ang nakalipas nang ako’y huling umapak sa lugar na iyon. Kakaiba ang pakiramdam, nakakapanibago… Tahimik… maraming taimtim na nagdarasal… Parang.. di ako nararapat sa lugar na iyon… Kahit na hindi ako katoliko… Umupo ako sa chapel at taimtim na inalala ang mga pangyayari sa aking buhay… Napakaraming pangyayari ang pumapasok sa aking isipan… Tahimik kasi… Buhol-buhol na mga pangyayari… nagaganap sa aking isipan… Ilang sandali ay biglang pumasok sa aking isipan… Ang pagnanais kong maging madre… Walang sumeseryoso sa akin sa tuwing sasambitin ko ang mga katagang… Gusto ko maging madre… Maraming nagtatanong kung bakit… Ang alam ko lang… masaya ako pagnasa simbahan ako… Nakikita ko ang aking sarili kasama ang ilang mga madre sa pakikipag-usap sa kanya! Ngunit… Maraming mga balakid…. Nariyan ang… wala daw sa karakter ko…hindi ako katoliko… Wah! Isang malaking kalokohan ang mga ito… Hindi ako magmamadre… Hindi pwede kahit gusto ko! |
| Leave a Comment: |